Hindi ko alam kung bakit may delivery sa bahay ko nang gabing iyon.
Wala akong hinihintay.
Wala rin akong maalalang inorder na ganoon.
Nasa taas ako, nakaharap sa computer, nang tumunog ang doorbell.
Hindi ako agad bumaba. Baka kung sino lang na may kailangan sa kapitbahay, o baka may ibang bahay talaga ang pakay ng nasa labas.
Tumunog ulit.
Napabuntong-hininga ako at tumayo.
Sa gilid ng desk ko, nakahiga si Dex sa maliit niyang kama. Ang lalaki kong Shih Tzu ay mahimbing na natutulog na parang walang anumang nangyayari sa mundo.
Mara: "Dex."
Bahagya niyang binuksan ang isang mata.
Mara: "May pagkain."
Bigla siyang bumangon.
Napangiti ako.
Mara: "Joke lang."
Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago muling humiga.
Mara: "Arte mo."
Bumaba ako ng hagdan.
Habang papunta ako sa pintuan, iniisip ko pa rin kung ano ang puwedeng delivery na iyon. Wala naman akong hinihintay. Hindi ko rin maalala na may inorder ako na kailangang dumating nang gabing iyon.
Bago ko buksan ang pinto, tiningnan ko muna ang CCTV.
May isang malaking delivery truck sa labas ng gate.
May dalawang courier na nakatayo sa likuran nito.
Hindi ko makita kung ano ang dala nila dahil nasa loob pa ng truck ang mga gamit.
Binuksan ko ang intercom.
Mara: "Hello?"
Courier 1: "Ma'am, may padala po para sa inyo."
Napakunot ang noo ko.
Mara: "Para sa akin?"
Courier 1: "Opo."
Mara: "Saan galing?"
Tiningnan niya ang hawak niyang aparato.
Courier 1: "May pangalan po ng isang kumpaniya"
Natahimik ako sandali.
Mara: "Anong Company?"
Courier 1: "Veyra Digital"
Mara: "Ano raw?"
Courier 1: "Regalo po."
Mara: "Regalo?"
Courier 1: "Opo. Bayad na rin po."
Mara: "May kailangan pa akong bayaran?"
Courier 1: "Wala po, ma'am."
Doon ako medyo napaisip.
Hindi naman imposibleng magpadala ng regalo ang isang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Online ang trabaho ko, kaya hindi naman ako palaging kasali sa mga bagay na ginagawa ng ibang team.
Mara: "May idea ka ba kung ano 'yan?"
Courier 1: "Wala po, ma'am. Nakasealed po."
Mara: "Sige. Sandali."
Binuksan ko ang gate.
Paglabas ko, saka ko nakita ang laki ng mga kahon.
Tatlo.
At hindi sila ordinaryong mga parcel.
Malalaki ang bawat isa, halos kasing haba ng isang tao. May makapal na lalagyan sa paligid at maayos na nakasara ang mga gilid. Kailangan talagang magtulungan ang dalawang courier para maibaba ang mga ito mula sa truck.
Napatingin ako sa kanila.
Mara: "Ano ba 'to?"
Courier 2: "Hindi po namin alam, ma'am."
Mara: "Malalaki."
Courier 2: "Opo."
Napatingin ako sa unang kahon.
May maliit na metal plate sa harapan.
M27
Sa pangalawa:
C-HAREE
At sa pangatlo:
L/0
Mara: "Mga pangalan ba 'yan?"
Courier 1: "Hindi po namin alam."
Mara: "Okay."
Hindi ko na pinansin.
Kung regalo talaga iyon ng kumpanya, malamang may dahilan.
Makalipas ang ilang minuto, naipasok na nila ang tatlong kahon sa bahay.
Courier 1: "Dito na po?"
Mara: "Oo, salamat."
Courier 2: "Walang anuman po."
Mara: "Salamat."
Lumabas silang dalawa at isinara ko ang gate.
Nakita kong umalis ang truck at tuluyang nawala sa kanto.
Tahimik ulit ang street.
Gusto ko ang lugar na iyon dahil ganoon.
Tahimik.
Maayos.
Malinis ang paligid.
Magaganda ang mga bahay, hindi rin sobrang ingay o magulo. Karamihan sa mga kapitbahay ay may kanya-kanyang buhay.
Karamihan.
May ilan lang talagang mahilig makialam.
At dahil bago ang tatlong kahon sa bahay ko, alam kong may makakapansin niyan.
Bumalik ako sa loob.
Nakita kong nakatayo si Dex sa may hagdan.
Tinitingnan niya ang mga kahon.
Mara: "Hindi pagkain."
Lumapit siya sa isa at inamoy iyon.
Tumingin siya sa akin.
Mara: "Sabi ko na."
Tumalikod siya at bumalik sa kama niya.
Napailing ako.
Sa totoo lang, hindi ko agad binuksan ang mga kahon.
Una kong chineck ang email ko.
Walang mensahe tungkol sa regalo.
Tiningnan ko rin ang mga message mula sa trabaho.
Wala rin.
Napaisip ako.
Baka surprise.
Baka hindi lang naipaalam sa akin.
Hindi ko naman agad naisip na may masamang nangyayari. Bayad na ang delivery, pangalan ko ang nakalagay, at sinabi ng courier na regalo iyon mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.
Kaya hinayaan ko muna.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik ako sa sala.
Nandoon pa rin ang tatlong kahon.
Parang masyado silang malalaki para sa bahay ko.
Tiningnan ko ang unang kahon.
M27.
Lumapit ako.
May maliit na metal plate sa harapan.
Hindi ko alam kung bakit, pero hinawakan ko iyon.
Malamig.
At ilang segundo lang ang lumipas nang may naramdaman akong napakahinang vibration sa ilalim ng palad ko.
Napaatras ako.
Mara: "Hala! ano 'yon?"
May mahinang ugong mula sa loob.
Dahan-dahang bumukas ang kahon.
At napahinto ako.
May isang lalaki sa loob.
Sa unang tingin, mukha siyang totoong tao.
Kung hindi ko nakita kung paano bumukas ang kahon at kung hindi ko napansin ang ilang maliliit na bahagi sa leeg at likod ng tenga niya, hindi ko iisiping robot siya.
Matangkad siya.
Maayos ang katawan.
Malapad ang balikat.
At ang mukha niya ay parang talagang ginawa para maging kaaya-aya.
Hindi siya mukhang makina.
Mukha siyang isang totoong lalaki na natutulog sa loob ng isang napakalaking kahon.
Mara: "Okay..."
Hindi siya gumalaw.
Lumapit ako nang kaunti.
Mara: "Hello?"
Walang sagot.
Mara: "Gising ka?"
Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya.
Tumingin siya sa akin.
Walang gulat sa mukha niya.
Walang pagkalito.
Tahimik lang siyang nakatingin.
M27: "M27."
Napaatras ako nang kaunti.
Mara: "Robot ka?"
M27: "Oo."
Mara: "Anong pangalan mo?"
M27: "M27."
Mara: "Hindi iyon pangalan."
M27: "Designation ko iyon."
Mara: "May pangalan ka?"
M27: "Wala."
Napatingin ako sa metal plate na nasa kahon.
M27.
Mara: "Kaya pala."
Tumingin ulit ako sa kanya.
Mara: "M27 na lang muna."
M27: "Okay."
Dahan-dahan siyang tumayo.
At nang tuluyan siyang makatayo, saka ko napagtanto kung gaano siya katangkad.
Napatingala ako nang kaunti.
Tumingin siya sa paligid.
Hindi naman siya gumagalaw na parang makina. Kung hindi ko alam kung ano siya, iisipin kong isang tahimik lang na lalaki na unang beses nakapasok sa bahay ko.
Tumingin siya kay Dex.
M27: "May aso."
Mara: "Oo."
M27: "Ano ang pangalan niya?"
Mara: "Dex."
M27: "Dex."
Tumingin siya ulit sa akin.
M27: "May pagkain ba?"
Mara: "Para kanino?"
M27: "Para sa iyo."
Napatingin ako sa kanya.
Mara: "Hindi ako gutom."
Tumango siya.
M27: "Okay."
Tumahimik siya.
Wala siyang sinabi pang iba.
Makalipas ang ilang segundo, tumingin siya sa kusina.
M27: "May oven ka."
Mara: "Oo."
M27: "Marunong kang mag-bake?"
Napatingin ako sa kanya.
Mara: "Marunong."
M27: "May formal training ka?"
Mara: "Oo."
M27: "Gaano katagal?"
Mara: "Hindi naman matagal. Pero nanguna ako sa klase."
Tumigil siya.
M27: "Okay."
Mara: "Bakit?"
M27: "Gusto kong malaman ang antas ng kaalaman mo tungkol sa baking."
Mara: "Bakit kailangan mong malaman?"
M27: "Dahil kaya kong mag-bake."
Napangiti ako nang kaunti.
Mara: "Talaga?"
M27: "Oo."
Mara: "Ano ang kaya mong gawin?"
M27: "Tinapay, pastry, cake, cookies, pie, tart, croissant at iba pang uri ng baked goods."
Mara: "Mukhang marami."
M27: "Oo."
Mara: "Okay."
Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong subukan kung gaano siya kagaling.
Lumipat ako sa pangalawang kahon.
C-HAREE.
Hinawakan ko ang metal plate.
Muli, may mahinang vibration.
Bumukas ang kahon.
May isang babae sa loob.
Mas bata ang mukha niya kaysa kay M27.
Maganda siya.
Napakaganda, sa totoo lang.
Pero kahit mukha siyang totoong tao, may kakaiba sa kanya. Mas halata ang mga bahagi ng katawan na hindi gawa sa ordinaryong laman. May manipis na linya sa leeg at sa mga kamay niya.
Bumukas ang mga mata niya.
C-HAREE: "C-HAREE."
Umupo siya.
Tumingin sa akin.
Pagkatapos kay M27.
At pagkatapos kay Dex.
C-HAREE: "May panganib ba?"
Mara: "Wala."
Tumingin siya sa paligid.
C-HAREE: "Wala akong nakikitang agarang banta."
Mara: "O-kay??."
Tumayo siya.
Gumalaw ang mga daliri niya.
May maliit na tunog.
Click.
Isang manipis na patalim ang lumabas mula sa dulo ng daliri niya.
Napaatras ako.
Mara: "Oyy, huwag."
Tiningnan niya ang sariling kamay.
C-HAREE: "Sandata."
Mara: "Oo, nakita ko."
C-HAREE: "Para sa proteksiyon."
Mara: "Hindi natin kailangan ngayon."
Tumigil siya.
Bumalik ang patalim sa daliri niya.
C-HAREE: "Okay."
Tiningnan ko ang metal plate sa kahon.
C-HAREE.
Sinubukan kong basahin iyon nang buo.
Mara: "C-Haree."
Tumingin siya sa akin.
Mara: "Ang haba."
C-HAREE: "Iyon ang designation ko."
Mara: "Hindi ko naman kayang tawagin ka nang ganyan buong araw."
Sandali siyang tumingin sa akin.
Mara: "Charee na lang."
C-HAREE: "Charee."
Mara: "Oo."
C-HAREE: "Okay."
Mas madali nga.
Charee.
Tiningnan niya si M27.
Charee: "Yunit ng pangangalaga sa bahay."
M27: "Oo."
Charee: "Yunit ng proteksiyon."
M27: "Oo."
Nagkatinginan sila sandali.
Wala namang tensiyon.
Wala ring dahilan para mag-away.
Para lang silang dalawang bagong magkakilala na sinusubukang alamin kung ano ang trabaho ng isa't isa.
Ang pangatlong kahon ang huli.
L/0.
Hindi ko alam kung letra O o zero.
Hinawakan ko ang metal plate.
Muli, may mahinang vibration.
Bumukas ang kahon.
Isang matandang babae ang nasa loob.
Silver ang buhok niya.
Maganda ang mukha.
Mas simple ang itsura niya kaysa sa dalawa.
At kahit siya rin ay mukhang totoong tao, may kakaiba pa rin sa kanya kapag tinitigan nang mabuti.
Bumukas ang mga mata niya.
Tumingin siya sa akin.
Pagkatapos kay Dex.
Pagkatapos sa dalawa.
L/0: "Magandang gabi."
Mara: "Magandang gabi."
L/0: "L/0."
Mara: "L-zero?"
L/0: "Oo."
Mara: "Ano ang ibig sabihin niyan?"
Tumingin siya sa akin nang ilang segundo.
L/0: "Hindi pa iyon ang tamang tanong."
Napakunot ang noo ko.
Mara: "Bakit?"
L/0: "Malalaman mo rin."
Hindi ko masyadong nagustuhan ang sagot niya.
Pero hindi na ako nakipagtalo.
L/0: "Kumain ka na ba?"
Mara: "Hindi pa."
L/0: "Gutom ka ba?"
Mara: "Hindi naman."
Tumango siya.
L/0: "Kung ganoon, okay lang."
Napatingin ako sa kanya.
Mara: "Hindi mo ako pipilitin?"
L/0: "Hindi."
Mara: "Mabuti."
Tumingin siya kay M27.
L/0: "M27."
M27: "Oo?"
L/0: "Maaari kang maghanda ng pagkain para sa kanya mamaya."
M27: "Okay."
Napatingin ako kay L/0
Mara: "Hindi ako humingi."
L/0: "Alam ko."
Mara: "Kung ganoon, bakit?"
L/0: "Baka kailanganin mo mamaya."
Mara: "Okay."
Tumalikod si M27 at pumunta sa kusina.
Wala siyang sinabi.
Tiningnan ko ulit ang metal plate.
L/0.
Mara: "L-zero?"
L/0: "Oo."
Mara: "Hindi ba ang hirap sabihin niyan?"
L/0: "Maaari mo akong tawagin sa ibang pangalan kung mas madali para sa iyo."
Napaisip ako.
Mara: "Lola."
Tumingin siya sa akin.
L/0: "Lola?"
Mara: "Oo."
L/0: "Bakit?"
Mara: "Dahil mukha kang Lola."
Sandali siyang natahimik.
Pagkatapos, ngumiti siya.
L/0: "Kung mas madali para sa iyo, ayos lang."
Mara: "Lola na."
Lola: "Okay."
At doon nagsimula ang paggamit ko ng mga pangalang iyon.
Hindi ko naman binago ang designation nila.
Nandoon pa rin ang mga metal plate sa mga kahon.
M27.
C-HAREE.
L/0.
Pero mas madaling sabihin ang Charee kaysa C-HAREE, at mas madaling sabihin ang Lola kaysa L/0.
Si M27 naman, hindi ko na muna pinilit.
Mara: "M27 na lang muna."
M27: "Okay."
Mara: "Parang okay naman sa'yo."
M27: "Okay naman."
Mara: "Sige."
At iyon na.
Makalipas ang ilang minuto, nagsimula nang maghanda ng pagkain si M27.
Si Charee ay nakatayo malapit sa pintuan.
Si Lola ay nakaupo sa sofa.
Si Dex ay nasa sahig.
At ako ay nakatayo sa gitna nilang lahat, sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari.
Tatlong robot.
Sa bahay ko.
At ang pinakamasama
hindi ko alam kung bakit.
Mara: "Sino ang nagpadala sa inyo?"
M27: "Wala akong impormasyon tungkol sa nagpadala."
Mara: "Charee?"
Charee: "Hindi ko alam."
Tumingin ako kay Lola.
Mara: "Lola?"
Tahimik siya sandali.
Lola: "Wala pa akong sapat na impormasyon para masabi sa iyo kung sino ang nagpadala sa amin."
Mara: "Hindi mo alam?"
Lola: "Hindi pa."
Mara: "Okay."
Tumingin ako sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
Kaya kinuha ko ulit ang phone ko.
Binuksan ko ang email.
Wala pa rin.
Nag-message ako sa isang taong alam kong makakapag-check kung totoong may ipinadalang regalo sa akin.
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang sagot.
Wala raw silang ipinadala.
Napatingin ako sa screen.
Binasa ko ulit.
Pagkatapos, tumingin ako sa tatlong robot.
M27 ay nasa kusina.
Charee ay malapit sa pintuan.
Lola ay nakatingin sa akin.
Mara: "Hindi kayo galing sa kumpanya ko."
Walang sumagot.
Mara: "May nagsinungaling sa akin."
Lola: "Mukhang ganoon nga."
Mara: "Bakit nila kailangang magsinungaling?"
Tahimik si Lola.
Lola: "Hindi ko pa alam."
Mara: "Talaga?"
Lola: "Oo."
Mara: "Okay."
Hindi na ako nagtanong.
Hindi dahil wala na akong gustong malaman.
Kundi dahil pakiramdam ko, wala rin akong makukuhang sagot ngayong gabi.
Tumingin ako sa bintana.
May gumalaw sa bahay sa tapat.
May anino sa likod ng kurtina.
Napabuntong-hininga ako.
Mara: "Ayun na."
Tumingin si Charee sa bintana.
Charee: "May tao."
Mara: "Alam ko."
Charee: "Banta?"
Mara: "Hindi ko alam."
Tumingin ako kay Dex.
Nakahiga lang siya sa sahig, walang pakialam sa anumang nangyayari.
Mara: "Ikaw lang ang normal dito."
Bahagyang umangat ang ulo ni Dex.
At sa gabing iyon, bago ko pa malaman kung sino ang nagpadala sa kanila, alam ko nang isang bagay ang sigurado:
Hindi na magiging tahimik ang bahay na ito gaya ng dati.